Naplano ko na ito 1 month before pa pumunta kami sa Panagbenga Festival sa Baguio City. Never ko pa kasi na witness ang sinasabi nilang festival though nakapunta na ako sa Baguio twice. Its just for curiosity sake, gusto ko lang makita. Paano ba ginaganap, ano ba ang mga pangyayari, ano ba ang meron kapag may festival, ano ba yung dapat panoorin, saan ba dapat pumunta. Mayroon bang something special, food? show? competition? Ano ang meron sa Panagbenga Festival 2014?
Saturday, February 22, 2014 @ 7:00AM, after ng work (I'm on graveyard shift), derecho na kami sa Victory liner Cubao station for the 6-7 hours trip to Baguio. Sumakay sa MRT from Shaw to Cubao at nakarating ng by appox. 8:30AM. Our reservation was at 9:00 AM, surprisingly ang daming passengers. We are kinda nervous kasi we thought naiwan na kami nung nireserved naming bus at baka ma-treat kami as chance passenger, luckily hindi naman. Ang nakakatuwa pa nun, yung dinatnan namin is para sa pang 6AM trip pa lang, kasi daw delayed and traffic sa may Pangasinan. Anyways, no choice kundi maghintay ng pang 9AM trip. So what we did was, kumain muna ng breakfast then balik sa terminal. Pagkabalik namin, pang 7AM trip na, so konti na lang at malapit na yung 9AM. So wait ulit, untill the 8AM bus came, dun na kmi sumakay since madami pang available seats. To cut the story short, dumating kami sa Baguio ng 4PM.
Baguio City-- Derecho kami agad sa terminal ng Victory to reserved para sa Sunday night trip, unfortunately, pang Tuesday morning na yung available. Ow that's a big problem kasi may trabaho kami ng Monday night. Kukunin na sana namin yung Tuesday trip, pero buti na lang, we asked someone who knew some other terminal buses going to Manila. So dun na lang kami pumunta. Genesis bus and Dagupan Bus--fully booked for their DeLuxe buses. So, failed ulit, at buti na lang ulit nakausap ko yung konduktor na marami pala silang bus, yun yung mga ordinary aircon buses na walang reservation kung hindi pila lang ang kailangan. Oh thanks God! nabunutan kami ng tinik. It's amazing right? I did not expect na may ganun din pala sila doon (dito kasi sa Manila terminal meron din). Problem solved!
Hindi muna kami pumunta sa aming nirentahang room, nag ikot ikot na kami agad sa may SM Baguio. I was not surprised, I'm really expecting a lot of tourists/people along the place. In front of the Mall, there are beautiful flowers displayed and free photo taking booth. Ofcourse, I have photos too, ako pa e adik sa picture! Ayun, hindi namin namamalayan na sobrang gutom na pala kami, pumunta na kami sa loob ng mall, walang aircon--well obviously malamig naman talaga :) at doon kami sa department store dumerecho to buy some stuffs. After that, foodcourt na, kain...kain...kain. Isa lang ang napansin ko sa may tabing table. They ordered 3 plates of Pansit, sa 1 plate good for 2 person, nagulat ako na tig iisang plato pala sila, wow! mashoshock at matatawa ka talaga. Biruin mo yun, tig isa pala nila, akala ko mga nasa 6 sila, apat lang pala. Na curious ako, baka naman kasi masarap kaya ganun. Pumunta ako dun sa pinagbilhan nila called "KAMIMURA", mahal din kaya di na ako bumili--poor!
After malling, pumunta na kami sa Burnham Park @ 7PM, napakadaming tao, which I find it exciting. Masaya ako pag marami akong nakikitang tao, mga namamasyal, ewan ko siguro dahil I'm a loner kaya pag may group of people natutuwa ako. Malaki ang park, kasya ang thousands of people, merong river na pwedeng magbangka pero may bayad na P100 for 30 minutes--sabi ni ate matagal tagal na yun kaya sulit, ikaw din kasi ang magpapatakbo nung bangka, so find it exciting kaso ayaw naman ng kasama ko. Sad pero okay lang kasi may Singing contest naman doon sa kabilang kanto--Baguio Got Talent? Tapos meron din dun sa kabilang kanto, singing competition din. Kapag nakaramdam ka naman ng tawag ng kalikasan, meron ding silang pay comfort room, P5 for IHI, P10 for DUMI. Lahat na lang may bayad. Lumalalim na ang gabi at lalong lumalamig ang kapaligiran, unti unti na rin kaming nkakaramdam ng pagod dahil wala pang pahinga. So we decided to get our room. Since wala naman kaming sasakyan, all mode of tranporatation namin is Taxi. Ang nakakatuwa lang doon is FX yung taxi nila pero mas cheaper than taxi's here in Manila. Magkakalapit lang naman ang mga tourist spots doon so hindi siya kamahalan sa fare.
There is something wrong akong nararamdaman nung papunta na kami, yung feeling na kinakabahan ako kasi feeling ko hindi safe yung room, iniisip ko na bahay siya tas kwarto lang--parang nakikitulog ka lang sa kapitbahay. Lalo pa nung hindi namin mahanap yung place, kung saan saan kami nakarating, parang horror lang, napakatahimik ng lugar, puro puno tapos ang lamig lamig, feeling ko may aswang...that weird feelings na hindi ko maiwasan. And thanks God!We finally found our room at 11PM.
Grabe it's not what I thought of, it's a transient pala, mataas yung building, maganda yung labas, mukha siyang hotel, nasa 2nd floor kami. Concrete lahat, may balcony na makikita mo yung magandang view ng Baguio, meron sa likod at harap, 2 storey siya, sala set, kitchen and 2 rooms sa taas plus malinis na CR with hot shower. I really love the place, yun nga may kamahalan-- P1,200/night. We just stayed for that night because it's not worth it kung mag 2 gabi pa kami eh uuwi naman kami ng Sunday night din.
Sunday-- February 23, 2014 @ 7AM, maaga kaming nagising para mapanood na namin ang finale ng festival, ang float parade. Kahapon kasi hindi na namin nahabol ang Street Dance Parade, so bawi bawi na today. At 8AM, checked out na kami sa bahay at umalis na kami papuntang Session Road kung saan magsisimula ang parade. It is unbelievable that millions of people are there, kahit saan ka dumaan ay siksikan unless dumaan ka sa tamang daanan wherein hindi ganoon kasikip. I salute to the Organizers and the people of Baguio who help and maintain peace and order. Special mention sa mga Pulis na nakakalat along the way, sobrang dami ng tao pero you can see and feel yung security. Unlike here in Manila na sobrang magulo kapag may mga events. The Parade is very organize, there are 11 floats na nakita lang namin pero as we heard on T.V, may 22 floats daw pero we didn't saw the others. The floats are very beautiful, very artistic, it was decorated using the 90% flowers and 10% misc. Ang pinakagusto ko lang is yung theme ay Plants vs Zombies, I love it, I love the way it was decorated and the mixed and matched of colors. Very lovely and entertaining. Ofcourse all of them are beautiful, yung iba ang theme is Egypt, Joliibee, Kalesa and so on. You guys should attend this Festival, hindi kayo magsisisi. Very entertaining and what I love is the crowd, you can see a lot of tourists, be it foreigners or people from Manila, Visayas and Mindanao. Overall, its a must-see Festival.
Same day, after the show, gumala na kami sa mga tourist spot nila, well again, its not my first time so ako yung nag guide sa kasama ko. First stop, Mines View... dito yung may mataas na lugar na kung saan makikita mo yung buong lalawigan, not really the whole of it pero yung view, imagine na your like on a helicopter and you see the view from the top, maraning pine trees or trees, maraming kalat kalat na bahay tapos nakakalula. Isa pang dinadayo dun is yung malaking aso na pwede kang magpapicture pero may bayad nga lang, its like P20/shot. Also they have the Bahag custume that you can wear and take a picture, P15 unlimited shot and also may kabayo din na pwede mong sakyan and take a pic, may bayad din. Marami ding mga paninda doon for pasalubong like t-shirts, key chains and foods. They have lengua, ube jam, basta many to mention and the good thing you can buy them at P100 for 7 pcs. depende sa ml nung size. And ofcourse dun na din kami bumili para di na namin problemahin. Shepherd convent is just like few steps away from Mines view, ito yung convent na nagtitinda ng Ube Jam which is pinakakilala sa Baguio and a producer ng super sarap and newly cooked Ube jam. When we got there, sobrang haba ng pila, so tinamad na lang akong pumila kasi it will take 1 hour and then you only buy 1 can of Ube? Its a waste of time right? So we decided to buy outside na lang and then we left. Next stop, THE MANSION, what we did here was, just took a picture and then thats it! kasi nothing so special naman, pero the good about is nakapagpapicture ka sa pangalawang bahay ng Pangulo ng Pilipinas. Well not so amazing, but what it made sense is, katabi lang nya ang Wright Park. Lakad lakad lang kami sa Park and picture picture, tingin tingin ng view tapos nakakita kami ng Sunflower na malalaki, kinunan ko lang ng picture and honestly ang ganda pala ng malalaking sunflower. After that, bumaba na kmi tapos nakita namin yung rancho, meroon pa lang ganun dun, pero alam ko na yun di lang namin napuntahan dati. This is where you can ridea horse paikot sa oval and you have to pay for it depending the hours you would want. Bad thing is, the amoy is very disgusting so we just left the place. And just a few steps away, the Botanical Garden, well nothing new like the first time I got there, wala pa ring bulaklak na yun ang ineexpect naming makita. Its just a normal plants and flowers pero common sa paligid. ANg innexpect namin is flowers like nakikita sa Dangwa, mga mamahalin na rosas, yung ganun, pero none, umupolang kami sa tabi, parang nagpahinga lang, boring na. hahaha! then we left.
So I think we need to go to terminal because its 8PM already. The earlier the better. When we got there, you can Imagine a group people falling in line to seeJustin Bieber on Dome. Ganun kagrabe ang pila sa terminal, ang daming umuuwi the fact na its 8PM pa lang. Akala namin maaga na kami pero late na pala kami. It took us 2 hours to fall in line bago kami nakasakay. Mapapa Thanks God ka talaga kapag makakasakay ka na sa bus kasi ang nakatayo lang kami sa pila. Pagdating namin sa bus, plakda kami, natulog na agad. 11PM paalis na kami going to Manila. Pero the feeling is great, satisfied and happy. Guys, try to visit Baguio even walang festival, maganda ang lugar, malamig, pang tourist talaga siya. Try this coming Summer. Pano, see you again and planning to come back sa Baguio.
Sulat ka Ulit
Sulat ka Ulit ay isang blog na naglalaman ng mga ideya at damdamin, istorya ng buhay ko at mga opinyon ko sa mga nakikita ko sa paligid. Mga kwentong masarap basahin ,halo halong emosyon, halo halong impormasyon sa ibat ibang pangyayari. Ang pamagat ay hango sa isang request ng isang kaibigan na sumulat daw ako ulit. Dati kasi nagsusulat ako ngunit huminto ako dahil naging abala sa trabaho, pero ito magsusulat ako ulit. Sana subaybayan nyo ulit ako.
Write anything Here:
Magsulat ng kung ano ano dito.
Sunday, 9 March 2014
Tuesday, 27 September 2011
World tour ng mga Bagyo!
Kuha ito noong Bagyong Ondoy (ika-26 ng Setyembre 2009), marami noon ang nasalanta, nasawi, namatay, napanganib ang buhay at nawalan ng tirahan. Kaawa awang mga kababayan ko, bakit ito na nangyayari sa mundo. Marami ang nawalan ng pag-asa, marami ang nawalan ng kabuhayan. Kung naaalala ko, ito yung araw na hindi ko inaasahan na mangyayari. Nasa bahay ako ng mga panahon na yun, ang alam ko lang ay umuulan, malakas, at malalaki ang patak ng mga ulan. Sabi ko nga noon, ito ba yung sinasabi nilang Bagyo? Bakit wala namang hangin, bakit parang wala namang bagyo. Kung bagayo bakit hindi ko maramdaman. Patuloy pa rin ang malakas na ulan. Parang wala lang sa akin at iniisip ko na normal lang ang ulan at titila din sa maiksing oras. Ngunit napapansin ko na iba na ang buhos ng ulan, rumaragasa, walang katapusan ang malalaking patak. Nagtataka na ako, pero dinedema ko pa rin. Wala akong pakialam sa mga oras na iyon. Wala akong ibang inisip kung hindi matulog, kumain at manood. Oo hindi namin ramdam ang baha sapagkat nasa mataas kami na lugar sa Sampaloc.
Oo, nagulat na ako ng madami ng nababalita sa TV na Metro Manila ay baha na. Napapanood ko na ang mga pinsalang sanhi ng Bagyong Ondoy. Hindi ako makapaniwala na ganoon pala katindi ang dinala ng malalakas na ulan na iyo. Hindi ko inakala na maraming buhay ang masasakripisyo. Hindi ko akalain na maraming mga bahay ang lumubog, sasakyan at kung anu ano pang mga bagay. Naaawa ako at kinikilabutan ako. Maswerte pa rin ako dahil hindi ko naranasan ang mga ganung trahedya kung kayat nagpapasalamat ako sa diyos at nandiyan siiya para protektahan nya kami.
Kahapon ay isang taon na ang Bagyong Ondoy, kumbaga Birthday niya kahapon. Kumusta na kaya ang mga biktima nya? Siguro yung iba ang naka move-on na at yung iba naman ay naaalala pa rin ang naranasan nila. Mahirap makalimot sa mga ganitong pangyayari kaya't yung iba hindi mo masisisi kung na trauma na sila kapag may mga bagyong darating.
Nakakatuwa lang isipin na may pinanganak ulit sa araw ng September 26, 2011. Siya ay si Pedring. Oo, isang Bagyo ito, siya si Bagyong Pedring. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, pinanganak na ang apo ni Ondoy. Pero mas mabait siya kaysa sa Lolo Ondoy niya. Tila mas may awa siya at magandang loob. Tinawag pa rin siyang Super Typhoon, pero hindi ganung mas malala ang dinulot niya. Tinamaan ang Cagayan Valley na siyang Probinsiya ko, lagi na lamang doon dumadaan ang mga bagyo, hindi na sila nagsawa sa kakabisita doon. Nakakinis na minsan. Pasalamat po tayo kay GOD kasi bukas ay aalis na siya sa Pilipinas, mangngibang bansa naman siya. Bakit ba itong mga Bagyo na ito ay nagwoworld tour lagi at laging Pilipinas ang pinupuntahan. Pwede namang ibang lugar na lamang. Wala naman tayong mgagawa kasi tayo din naman ang nag aaya sa kanila para puntahan tayo. Dahil yan sa kasakiman natin sa kapaligiran natin kung kayat gustong gusto nila tayong bisitahin. Magbago na tayo mga kapwa ko, mahalin na natin ang Mundo natin.
Pag alis ni Pedring, may susunod na namang mag woworld tour at inaasahan siya sa darating Oct.1 pero hindi pa sigurado. Kaya maghanda po tayong lahat. Ihanda ang mga safety kits at magdasal po tayo sa ating Kaligtasan. Ang alam ko ay siya si Bagyong Qiel, not sure sa spelling. Wala pa akong alam sa kanya.

Friday, 2 September 2011
Takas after School
Natatawa ako kapag naaalala ko noong kabataan ko ang mga kapilyuhan na ginagawa ko. Galing ako sa trabaho at matutulog na. Parang may sakit na nga yata ako kasi hindi ako makatulog agad, ang dami dami kong naiisip, ewan kung anu ano na lang, hindi naman dapat isipin, kung saan saan nakakarating ang isip ko. Minsan nakakarating ako sa ibang bansa, na nanalo ako sa lotto, na lumilipad ako, ito yung mga bagay na weird, imahinasyon ko. Pero karamihan ang mga pangyayari sa buhay ko. Binabalik balikan ng isip ko. Halos isa hanggang dalawang oras na akong nakahiga hindi pa rin ako inaantok at ginugulo ng mga karanasan ko. Kaya naman nasagi sa isip ko ang mga ginagawa ko noong bata pa ako.
Isa na siguro ako sa mga batang pasaway noon, lagi kasi akong tumatakas sa magulang ko tuwing byernes ng hapon pagkatpos ng klase. Kapag uwian na kasi, dali dali akong umuwi sa bahay para magbihis o kaya nama'y hindi na ako uuwi sa bahay at diderecho na ako sa bahay ng mga pinsan ko. Malayo ang bahay ng mga pinsan ko, o kina Auntie (kapatid ng nanay ko) na ang tawag ko sa kanya ay Nanay din. Hindi na ako bago sa pagtawag ko sa knya ng Nanay kasi yun na ang kinalakihan ko. Bata pa lang ako ay yun na ang ipinatawag nila sa akin kay Auntie, at Tang naman sa kanyang asawa na siya naman talaga ang tawag sa kanya ng kanyang mga anak. Kumbaga iisa na lamang ang tawag namin sa kanila. Pakiramdam ko kasi anak nila ako at kapatid nila ako. Halos itinuring na nga nila akong Bunso nila. Mas close ko si Tang kasi siya lagi ang nagbibigay ng pera kapag nakakasalubong ko sa daan. Siyempre bata bata pa ako noon at wala pa akong hiya hiya. Kapag nakikita ko siya ay hihingi lang ako ng pera at lagi naman nya akong binigyan. Kaya mahal na mahal ko sila. Sa katunayan sa kanila talaga ako lumaki, kumbaga halos buong buhay ko nasa kanila ako. Mas nakakasalamuha ko sila kaysa sa mga kapatid ko. Dumating nga yung panahon na sila na ang mag papa aral sa akin kaya lang takot naman ako sa lilipatan kong eskwelahan. Kaya hindi ko na lamang tinuloy.
Tumatakbo talaga ako tuwing papunta sa aking mga pinsan, excited na kasi ako na makarating doon, may halong tuwa at saya na YES! makakapunta na naman ako doon. Marami akong dahilan kung bakit gustong gusto ko pumunta doon, una na doon ay gusto ko makasama ang mga pinsan ko doon. Tuwing sabado kasi ay lagi kaming pumupunta sa dagat para maligo, kumuha ng mga shells, masarap kumain doon, maglaro sa tabing dagat. Higit sa lahat ay andoon ang mga kalaro kong mga bata, mga ka edad ko, sila na ang mga naging parte ng buhay ko, maituturing kong sa kanila umikot ang kabataan ko.
Hindi ko noon naiisip kung magagalit ba ang Nanay ko kapag tumatakas ako sa kanila. Siguro nga wala pa akong pakialam noon, marahil hindi ko pinoproblema pa ang mga bagay bagay noon basta ang alam ko, makakalaro ako at masaya ako. Ang mga pinsan ko na lamang siguro ang nagsasabi na andun ako sa knila. Sabado at Linggo ako lagi nandoon, nakasanayan ko na.
Mula high school doon na ako tumira talaga dahil alam ko nandun ang hinahanap kong buhay. Hanggang sa nag aral ako ng college dito sa Maynila ay sa mga pinsan pa rin ako nakituloy. May nirerentahan naman silang apartment dito sa Sampaloc. Kaya naman hanggang ngayon kung minsan ay nandoon ako sa Sampaloc kapag nagkakaroon ako ng oras.
Inabot na ako ng antok sa kakaisip ko, nakakatuwa lamang isipin na kahit papaano ay hindi naman naging miserable ang kabataan ko. Tuluyan na nga akong inantok. Zzzzzzz.... (3rd story)

Thursday, 25 August 2011
Buhay Opis
Tuwing pumapasok ako sa opisina, iniisip ko agad..."Ang dami ko na namang hahabuling task,
dapat matapos ko na yun, kung hindi pending na naman ang ibang task, TAT na" sa amin ang TAT
ay TURN AROUND TIME o Deadline. Nasa bahay pa lang ako, ang dami ko ng reklamo sa isip ko,
sana sumesweldo ka na lang ng hindi nagtatrabaho, patulog tulog, nood nood, kain kain, relax
relax, lakwatsa dito, lakwatsa doon. O di ba ang sarap ng buhay kapag ganyan, pero hindi eh,
hindi kailanman mangyayari sa akin yan, kailangang magtrabaho para magkapera, kumilos para
kumita. Hay ang buhay nga naman. Paggising sa umaga, este sa tanghali o sa hapon, babangon
ako, mumog, tapos upo, nakatunganga habang hinihintay matapos maligo ang isang kasama o kaya
naman tunganga lang talaga. Parang ang sarap bumalik sa higaan kapag ang antok na antok ka
pa, pero ano pa pa nga ba eh tintawag ka na ng kompanya. So ito na ang turn ko sa banyo o
maliligo na ako habang ang isa ay nagpapaalam na para pumasok na sa opisina. Mag isa na lang
ako sa bahay kung kayat ang dami dami kong naiisip. Ang ingay ng kapitbahay, naririnig ang
mga kalabog nila, ang sigawan nila, meron naman doon na sa bandang ibaba o 1st floor na
parang may 60 students yung babae kung makapagturo sa kanyang anak, hindi ko lang
maintindihan kung bakit alas kwatro pa lang ng umaga nagtuturo na e dis oras na ng gabi. Ah
basta, hindi ko sila kilala. Habang ako'y naliligo, natatakot ako, hindi ko alam kung bakit
ang dami dami kong iniisip kapag naliligo ako, panu ba naman kalabog ng kapitbahay ang lakas
lakas kaya pakiramdam ko tuloy may pumapasok na sa bahay para magnakaw o mang salvage o mang
kidnap, minsan nagugulat ako kapag may naririnig akong parang kumakatok, iniisip ko tuloy na
baka bigla akong pasukin sa banyo at saksakin o kaya naman nag aabang na sa labas ng banyo sa
paglabas ko at bigla akong saksakin. Ayoko ng ganung pakiramdam. Ano pa ba ang magagawa ko
kung ang oras ng aking trabaho ay alas dos (2pm) ng hapon hanggang alas dies (10pm) ng gabi
at mandatory pang mag overtime ng 4 hours a day. Kaya naman ang uwi ay inaabot na ako ng
madaling araw ng alas dos ng umaga sa opisina at makakauwi ako sa bahay ng alas quarter to
3am. Kaya naman pagod na pagod ako araw araw at inaantok na pagkauwi. Pagdating ko ng bahay
hindi muna ako matutulog kaagad dahil magpapahinga muna ako saglit at magpapatuyo ng pawis
kung kayat 3:30am na ako natutulog. Ang hirap ng buahay dito sa mundo, maswerte ang mga taong
pinagpala ng kayamanan, yung mga may kaya sa buhay. Malas naming mga karaniwang manggagawa
dahil hindi laging ginhawa ang natatamasa namin, dahil kahit kayod ka ng kayod hindi pa rin
sapat ang kinikita mo sa isang araw. Gaya ko, at malamang kagaya niyo rin ako.
Pagkatapos kong maligo ay dali dali na akong magsisipilyo at magbibihis. Ang bihis ko ay
napakasimple na lamang, gaya noong dati na todo porma pa ako, long sleeves, plantsadong
slacks, maayos na buhok, nang kung ano anong palambitin sa katawan. Yan ako dati, pero ngayon
ni pantalon ko hindi ko na magawang plntsahin, hindi na ako ng lolong sleeves kung hindi
polo shirt na lang, wala na rin akong nilalagay sa buhok na dati punong puno ng wax. Ang
losyang ko na, ang baduy ko na. Pero kahit ganito ako, hindi ko naman kinonsidera na
kabawasan iyon sa pagkatao ko, ang mahalaga ay makapasok ka sa opisina dahil mas kailangan
nila ang kakayahan mo sa trabaho kaysa sa itsura mo.
Electric fan off, tanggalin ang saksakan, windows lock, lights off, door locked then lakad na
papasok. Habang binabaybay ko ang mga daan along naia, wala naman akong iniisip na, kung
hindi ang magmadali para makahabol sa oras.
At andito na nga ako sa opisina.
Puch in para sa attendance gamit ang cronos na malapit sa entrance gate.
Deretso ako sa comfort room para magpunas ng pawis, bakit ba kapag pumapasok ako sa cubicle
ng CR ay ang daming kalat at pira piraso ng tissue paper. Ang mga empleyado nga naman, parang
walang ethics kung makagamit ng tissue, nandiyan na nga ang basurahan hindi pa maitapon ng
maayos, karamihan kung makagamit ng tiisue ay halos isang rolyo na ang nauubos, e sisinga
lang naman. Napansin ko din ang nakalagay na FRIENDLY REMINDER sa tabi ng lalagyanan ng
tissue, at ang sabi " Think twice before you roll the tissue holder! Trees are killed in producing the tissue paper you're holding right now. Killing our trees means killing our planet. Do your share in saving Mother Earth. Use just enough tissue paper" hindi bat nakakawalang respeto naman sa mga kapaligiran natin? At
nakakwalang respeto din sa mga susunod na gagamit at naglilinis ng lugar. Asan ang pagiging
sense of cleanliness? Wala na, wala na. Lalabas na ako CR para umakyat na sa pangatlong
palapag ng building, doon ay maraming empleyado na pababa't paakyat sapagkat iyon ang oras ng
uwian at pasukan, palibhasa alas dos na ng hapon. Sa aking pagakayat ay marami din akong
binabati sa mga kakilala ko, smile dito smile doon, kung badtrip e simangot dito simangot
doon. Gamit ang aking ID, tinutok ko ito sa isang magnetic na bagay para mag unlock ang
pintuan papasok sa aking workstation, yun naman ang kagandahan dahil hindi basta basta
makakapasok ang mga hindi empleyado sa naturang opisina. Makakaramdam ka ng konting ginhawa
dahil centralize naman ang kwarto, nakakawala ng pawis at napapwi ang pagod dala ng malamig
na hangin. Pangatlong table ako nakapwesto mula kanan, at sa likuran ko ay ang aking mga
kasamahan sa opisina at ang aking Team Leader, unang table mula sa kanan. Hindi ka makakagawa
ng Internet surfing sapagkat nakikita ka ng boss mo, pinagbabawal ng kompanya. Pero sadyang
minsan makakapal din ang mga mukha namin dahil kahit nakikita kami ng mga boss namin ay nag
iinternet pa rin kami, hindi maiwasan pagkat lalo na may mga importante kang i-lilike sa
Facebook account mo, yung iba pasimple lang, tipong ang liliit na ng window sa screen sa may
bandang gilid, kapag nandiyan si sir minimize muna at kapag andiyan ang manager, exit na ang
facebook o kung anu mang internet na nandiyan.
Maghihintay pa ako ng ilang minuto para makapag log out ang aking kapalitan sa computer,
minsan ginagamit ang computer ko kapag wala ng magamit na iba. Dito sa opisina dalawa sa
isang computer ang gamit namin dahil kapos ang kompanya sa paglalaan ng mga gamit. Ewan ko ba
sa kanila, computer lamang ang medium ng transaksiyon ngunit pinagkakait nilang magbigay ng
mga computers. Sadya nga namang napakatipid o sadyang kuripot ang kompanya dahil isang
Pilipino ang may ari nito. Saan ka pa makakakita ng pribadong kompanya na uhugin na ang
computers, halos 30 years ng ginagmit at taon pa ng koppong kopong. Natawa na nga lang ako
bigla noong may sumabog na computer sa kabilang lane, sa sobrang luma na pinapagamit pa at
yun sumuko si lolo. Sabi nga nila, hanggat hindi pa sumsabog ang PC hindi aalisin, sabi ko
naman, sige hintayin nyong masunog ang kompanya nyo dahil sa kawalang konsensya nyo. Bakit ba
sila nagtiyatiyaga sila sa luma na at mabagal pa kung kaya naman nilang magproduce ng bago at
mabilis. Napatingin ako bigla sa katabi kong computer, tiningnan ko kung ilang taon na, naku
po, 2008 pa. Ang uso ngayon flatscreen na.
Kung ako lamang ang tatanungin, nakakwalang gana ang magtrabho sa ganyang klase ng makina,
nakakatamad at gusto mo na lang tulugan. Taon ang bibilangin bago mapalitan ang mga gamit.
Nakapag log out na ang kapalitan ko, ako naman ang magbubukas ng account ko, simula na ng
gamitan ng ulo at linaw ng mata. Wala naman akong masasabi sa gingawa kong trabaho,
samakatuwid masaya ako sa ginagawa ko, kahit napadaming problema o errors na nakikita sa task
ko, nagagawan ko naman ng solusyon at wala namang madaling trabaho. Pitong oras akong
nakaupo, kasama na dyan ang break time at CR. Pressure ika nga, oo pressure ang inaabot ko,
naghuhumikahos, natataranta at minsan nakakabato sa dami ng ginagawa, lalo na kapag ang
kliyente mo ay hindi maintindihan ang sinasbi o kaya ako yung hindi makaintindi sa mga
Instructions nila at mga sagot sa mga queries mo. Pagkatapos kong upuan ang computers
maghapon, sasakit na lang ang batok mo, ang mata mo, ang kamay mo pagkatpos ang lahat.
Siya nga pala, nakasalamin na ako ngayon dahil sa nanlalabo na ang kanang mata ko. Araw araw
akong nakatutok sa computer, walo hanggang labing anim na oras sa isang araw. Tumatanda na
yata ako. Pero kahit gano ako mgtrabaho ng magtrabaho, hindi pa rin ako yayaman dito kahit
siguro ilang dekada na ang lilipas. Madami akong binubuhay, may papag aralin pa, kaya wala ng
oras para maghanap ng mapapangasawa. Hindi naman talaga hanggang dito ang gusto ko sa buhay,
gusto ko ding umangat, gusto kong iparamdam sa nanay ko ang buhay ginhawa. Hindi pa namin
nararanasan na mag ulam ng karne ng derecho sa isang linggo o kaya kumain sa mga mamahaling
restaurant. Tumira sa tiles ang sahig na bahay, ang magkaron ng medyo maayos ayos na t.v,
wala din kaming ref o washing machine man lang. Yan sana ang gusto kong ipadama sa mga
kapatid at lalong lalo na sa Nanay ko. Pangarap kong mangibang bansa para sa mga pangarap ko
na yan, gusto kong guminhawa naman kami kahit papano. Plano kong kumuha ng sarilui kong bahay
at lupa para investment man lang habang akoy nagtatrabaho pa. Ang buhay nga naman, paano ko
makakmit ang mga yan kung isang simple at karaniwang mangaggawa lang ako. Pero higit sa lahat
nagpapasalamat pa rin ako kay GOD na kahit papaanp eh buhay kami at ligtas tayong lahat.
Pangalawang kwento ko nga pala ito.
Wednesday, 24 August 2011
You Reminds me of this
Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, hindi ko na ito naalala eh, pinaalala mo pa... hehhe! wow! Salamat po. You remind me of my old blogs. You demand to do it again, so request granted! Clap! Clap! Clap!. Ito sisimulan ko ulit ang pagsusulat, palibhasa ito lagi ang past time ko noong college pa ako. Instead na magbulakbol o gumawa ng mga katarandahan sa labas, magsulat na lang. Sabi nga nila dito mo naisusulat ang mga gusto mong sabihin na hindi mo kayang sabihin sa personal. Hobby ko naman talaga ito, naimpluwensiyahan ata ako ni BOB ONG, na may sayad, aaminin ko hindi ako fan ni BOB Ong pero may mga sulat nya akong binasa ko din pero hindi ko natatapos dahil sa trabaho. Pero ganun pa man, may mga ideya naman ako tungkol sa sinusulat nya. Huwag na nating pag usapan ang tungkol sa kanya, ang mahalaga nabanggit ko siya dito, kasi sabi ko noong una, pag ako ngsulat babanggitin ko siya sa unang sulat ko.
Unang una sa lahat, gusto ko muna magpakilala sa inyo.
Ako nga pala si Cristopher, 23 years old, nagtatrabaho sa isang malaking kompanya dito sa Metro manila. Oo sa isang BPO company ako, hindi na siguro nakakapagtaka iyo dahil halos karamihan sa mga kabataan ngayon dito nagsisimula. Una malaki ang sweldo, kaya kang buhayin at siyempre ang pamilya mo din. Magsusulat din ako tungkol sa kompanyang pinapasukan ko nagyon, pero sa ngayon ito muna. Actually andito nga ako sa opisina ngayon, may trabaho kaso kailangan ko tlagang magsulat muna, break ko pa naman. Isa akong Editor ng mga legal documents o yung tinatawag nating mga libro ng mga nag aaral sa LAW o abogasya. Ang kliyente namin ay mga taga ibang bansa at ang hawak ko dito ay ang Estados Unidos. Kung tatanungin, oo mahirap ang trabaho, kailangan ng masusing pag aanalisa, malinaw na mata at pasensya. Bilang editor kumikita lang ako ng sapat, wala naman kasi ako sa position na mataas para kumita ng malaki. May binubuhay ako sa probinsya, ang Nanay ko at ang mga kapatid ko at mga pamangkin ko. Ang dami nila, pero kahit papano nabibigay ko naman o nkakatulong naman ako kahit papano. Sabi ng nanay ko walo (8) daw kaming magkakapatid, kaya lang nauna na daw yung isa sa langit nung hindi pa ako pinapanganak, kaya ngayon (7) pito na kmi nung lumabas ako noong Abril 1988. Sa kagustuhan naman ni Lord, kinuha na din nya ang panganay namin na babae, kaya anim na lang kmi ngayon. Ako lang ang wala pang asawa, lahat sila tinamaan ni kupido kaya nagsi asawa na. Ako lang ang nagtatrabaho sa aming pamilya maliban kay ate na siya naming pangatlo sa pamilya eh nasa ibang bansa bilang isang OFW. Maraming salamat din sa kanya at siya ang tumulong sa akin sa pag aaral ko kaya naman ako lang ang nakapagtapos sa amin. Nakapagtapos ako bilang isang Computer Science sa isa sa mga College School diyan sa University Belt, isa akong iskolar noon at nagtatrabaho na bilang Student Assistant.
Wala naman akong ibang aasahan kundi ang sariling sikap, tiyaga at sipag. Salamat na din sa mga pinsan ko at nalibre naman ako sa pagtira sa kanilang nirerentahang apartment. Mula high school sanay na ako na mapag isa, sanay na ako na ako lang ang nagmamanage sa sarili ko. Kung meron man yun e kapag may sakit na ako at kailanagan ko na ng makakapitan. Hanga namna ako sa sarili ko kasi kahit papano madami na akong nalampasang pagsubok. Pinatinay ako ng nakaraan at ngayon pinapatibay ako ng mga taong nakakasalamuha ko.
nakatira ako ngayon sa isang inuupahang apartment, pito kami at hati hati sa bayad, tig isang libo mahigit. Maayos naman ang mga kasama ko at di namana nila ako inaaway o pinapabayaan. Kaya maraming salamat din sa inyo.
Sa kabilang dako, Oo wala akong pag ibig sa ngayon pero in-love pa rin ako, sana lang dumating na yung araw na magiging masaya na kami. Sa ngayon masaya pa ako kung anong meron ako, hindi naman minamadali ang lahat kaya hinay hinay lang. Buhay pag-ibig ay napakakomplikado, madaming pagsubok, ika nga napakadaming sakripisyo na gagawin. Kung mahal mo talaga siya balewala ang mga balakid na yan.
Kung naitatanong nyo, mahilig akong kumanta, sumayaw. Sumasali din ako sa mga takbuhan, hobby ko na din ang pag work-out, hindi ko na yata kayang alisin ang mga yan, masaya ako sa gingawa ko kaya ito ako naka smile lagi. Huwag damdamin ang problema, hayaan mo na lang na ang problema ang mamroblema sayo. Ika nga enjoy life to the fullest. Isa lang ang sikreto ko sa buhay, tanggalin ang mga nakaka stress sa buhay, palitan ng mga masasayang bagay. Huwag magmadali, kalma lang, laht yan nadadaan sa dahan dahan.
Ito nga pala ang unang sulat ko.
Kay PG salamat sa pagpapaalala sa akin na gawin ulit ito, sa paraang ito e nakikilala ako ng ibang tao. Hindi man sa personal ganun din sa nilalaman ng kalooban. Sana mabasa mo ito.

Subscribe to:
Posts (Atom)