Write anything Here:

Magsulat ng kung ano ano dito.

Tuesday, 27 September 2011

World tour ng mga Bagyo!

Kuha ito noong Bagyong Ondoy (ika-26 ng Setyembre 2009), marami noon ang nasalanta, nasawi, namatay, napanganib ang buhay at nawalan ng tirahan. Kaawa awang mga kababayan ko, bakit ito na nangyayari sa mundo. Marami ang nawalan ng pag-asa, marami ang nawalan ng kabuhayan. Kung naaalala ko, ito yung araw na hindi ko inaasahan na mangyayari. Nasa bahay ako ng mga panahon na yun, ang alam ko lang ay umuulan, malakas, at malalaki ang patak ng mga ulan. Sabi ko nga noon, ito ba yung sinasabi nilang Bagyo? Bakit wala namang hangin, bakit parang wala namang bagyo. Kung bagayo bakit hindi ko maramdaman. Patuloy pa rin ang malakas na ulan. Parang wala lang sa akin at iniisip ko na normal lang ang ulan at titila din sa maiksing oras. Ngunit napapansin ko na iba na ang buhos ng ulan, rumaragasa, walang katapusan ang malalaking patak. Nagtataka na ako, pero dinedema ko pa rin. Wala akong pakialam sa mga oras na iyon. Wala akong ibang inisip kung hindi matulog, kumain at manood. Oo hindi namin ramdam ang baha sapagkat nasa mataas kami na lugar sa Sampaloc.

Oo, nagulat na ako ng madami ng nababalita sa TV na Metro Manila ay baha na. Napapanood ko na ang mga pinsalang sanhi ng Bagyong Ondoy. Hindi ako makapaniwala na ganoon pala katindi ang dinala ng malalakas na ulan na iyo. Hindi ko inakala na maraming buhay ang masasakripisyo. Hindi ko akalain na maraming mga bahay ang lumubog, sasakyan at kung anu ano pang mga bagay. Naaawa ako at kinikilabutan ako. Maswerte pa rin ako dahil hindi ko naranasan ang mga ganung trahedya kung kayat nagpapasalamat ako sa diyos at nandiyan siiya para protektahan nya kami.

Kahapon ay isang taon na ang Bagyong Ondoy, kumbaga Birthday niya kahapon. Kumusta na kaya ang mga biktima nya? Siguro yung iba ang naka move-on na at yung iba naman ay naaalala pa rin ang naranasan nila. Mahirap makalimot sa mga ganitong pangyayari kaya't yung iba hindi mo masisisi kung na trauma na sila kapag may mga bagyong darating.


Nakakatuwa lang isipin na may pinanganak ulit sa araw ng September 26, 2011. Siya ay si Pedring. Oo, isang Bagyo ito, siya si Bagyong Pedring. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, pinanganak na ang apo ni Ondoy. Pero mas mabait siya kaysa sa Lolo Ondoy niya. Tila mas may awa siya at magandang loob. Tinawag pa rin siyang Super Typhoon, pero hindi ganung mas malala ang dinulot niya. Tinamaan ang Cagayan Valley na siyang Probinsiya ko, lagi na lamang doon dumadaan ang mga bagyo, hindi na sila nagsawa sa kakabisita doon. Nakakinis na minsan. Pasalamat po tayo kay GOD kasi bukas ay aalis na siya sa Pilipinas, mangngibang bansa naman siya. Bakit ba itong mga Bagyo na ito ay nagwoworld tour lagi at laging Pilipinas ang pinupuntahan. Pwede namang ibang lugar na lamang. Wala naman tayong mgagawa kasi tayo din naman ang nag aaya sa kanila para puntahan tayo. Dahil yan sa kasakiman natin sa kapaligiran natin kung kayat gustong gusto nila tayong bisitahin. Magbago na tayo mga kapwa ko, mahalin na natin ang Mundo natin.

Pag alis ni Pedring, may susunod na namang mag woworld tour at inaasahan siya sa darating Oct.1 pero hindi pa sigurado. Kaya maghanda po tayong lahat. Ihanda ang mga safety kits at magdasal po tayo sa ating Kaligtasan. Ang alam ko ay siya si Bagyong Qiel, not sure sa spelling. Wala pa akong alam sa kanya.

No comments:

Post a Comment