Kay PG salamat sa pagpapaalala sa akin na gawin ulit ito, sa paraang ito e nakikilala ako ng ibang tao. Hindi man sa personal ganun din sa nilalaman ng kalooban. Sana mabasa mo ito.
Unang una sa lahat, gusto ko muna magpakilala sa inyo.
Ako nga pala si Cristopher, 23 years old, nagtatrabaho sa isang malaking kompanya dito sa Metro manila. Oo sa isang BPO company ako, hindi na siguro nakakapagtaka iyo dahil halos karamihan sa mga kabataan ngayon dito nagsisimula. Una malaki ang sweldo, kaya kang buhayin at siyempre ang pamilya mo din. Magsusulat din ako tungkol sa kompanyang pinapasukan ko nagyon, pero sa ngayon ito muna. Actually andito nga ako sa opisina ngayon, may trabaho kaso kailangan ko tlagang magsulat muna, break ko pa naman. Isa akong Editor ng mga legal documents o yung tinatawag nating mga libro ng mga nag aaral sa LAW o abogasya. Ang kliyente namin ay mga taga ibang bansa at ang hawak ko dito ay ang Estados Unidos. Kung tatanungin, oo mahirap ang trabaho, kailangan ng masusing pag aanalisa, malinaw na mata at pasensya. Bilang editor kumikita lang ako ng sapat, wala naman kasi ako sa position na mataas para kumita ng malaki. May binubuhay ako sa probinsya, ang Nanay ko at ang mga kapatid ko at mga pamangkin ko. Ang dami nila, pero kahit papano nabibigay ko naman o nkakatulong naman ako kahit papano. Sabi ng nanay ko walo (8) daw kaming magkakapatid, kaya lang nauna na daw yung isa sa langit nung hindi pa ako pinapanganak, kaya ngayon (7) pito na kmi nung lumabas ako noong Abril 1988. Sa kagustuhan naman ni Lord, kinuha na din nya ang panganay namin na babae, kaya anim na lang kmi ngayon. Ako lang ang wala pang asawa, lahat sila tinamaan ni kupido kaya nagsi asawa na. Ako lang ang nagtatrabaho sa aming pamilya maliban kay ate na siya naming pangatlo sa pamilya eh nasa ibang bansa bilang isang OFW. Maraming salamat din sa kanya at siya ang tumulong sa akin sa pag aaral ko kaya naman ako lang ang nakapagtapos sa amin. Nakapagtapos ako bilang isang Computer Science sa isa sa mga College School diyan sa University Belt, isa akong iskolar noon at nagtatrabaho na bilang Student Assistant.
Wala naman akong ibang aasahan kundi ang sariling sikap, tiyaga at sipag. Salamat na din sa mga pinsan ko at nalibre naman ako sa pagtira sa kanilang nirerentahang apartment. Mula high school sanay na ako na mapag isa, sanay na ako na ako lang ang nagmamanage sa sarili ko. Kung meron man yun e kapag may sakit na ako at kailanagan ko na ng makakapitan. Hanga namna ako sa sarili ko kasi kahit papano madami na akong nalampasang pagsubok. Pinatinay ako ng nakaraan at ngayon pinapatibay ako ng mga taong nakakasalamuha ko.
nakatira ako ngayon sa isang inuupahang apartment, pito kami at hati hati sa bayad, tig isang libo mahigit. Maayos naman ang mga kasama ko at di namana nila ako inaaway o pinapabayaan. Kaya maraming salamat din sa inyo.
Sa kabilang dako, Oo wala akong pag ibig sa ngayon pero in-love pa rin ako, sana lang dumating na yung araw na magiging masaya na kami. Sa ngayon masaya pa ako kung anong meron ako, hindi naman minamadali ang lahat kaya hinay hinay lang. Buhay pag-ibig ay napakakomplikado, madaming pagsubok, ika nga napakadaming sakripisyo na gagawin. Kung mahal mo talaga siya balewala ang mga balakid na yan.
Kung naitatanong nyo, mahilig akong kumanta, sumayaw. Sumasali din ako sa mga takbuhan, hobby ko na din ang pag work-out, hindi ko na yata kayang alisin ang mga yan, masaya ako sa gingawa ko kaya ito ako naka smile lagi. Huwag damdamin ang problema, hayaan mo na lang na ang problema ang mamroblema sayo. Ika nga enjoy life to the fullest. Isa lang ang sikreto ko sa buhay, tanggalin ang mga nakaka stress sa buhay, palitan ng mga masasayang bagay. Huwag magmadali, kalma lang, laht yan nadadaan sa dahan dahan.
Ito nga pala ang unang sulat ko.
Haha! kelan ka nga ba mag-aasawa? lol
ReplyDeletesaka na pag andiyan na sya...hehhe
ReplyDeletesino tinutukoy mo... kung in love ka parin wag mong sayangin ang panahon hanggat andyan pa siya.
ReplyDelete