Kuha ito noong Bagyong Ondoy (ika-26 ng Setyembre 2009), marami noon ang nasalanta, nasawi, namatay, napanganib ang buhay at nawalan ng tirahan. Kaawa awang mga kababayan ko, bakit ito na nangyayari sa mundo. Marami ang nawalan ng pag-asa, marami ang nawalan ng kabuhayan. Kung naaalala ko, ito yung araw na hindi ko inaasahan na mangyayari. Nasa bahay ako ng mga panahon na yun, ang alam ko lang ay umuulan, malakas, at malalaki ang patak ng mga ulan. Sabi ko nga noon, ito ba yung sinasabi nilang Bagyo? Bakit wala namang hangin, bakit parang wala namang bagyo. Kung bagayo bakit hindi ko maramdaman. Patuloy pa rin ang malakas na ulan. Parang wala lang sa akin at iniisip ko na normal lang ang ulan at titila din sa maiksing oras. Ngunit napapansin ko na iba na ang buhos ng ulan, rumaragasa, walang katapusan ang malalaking patak. Nagtataka na ako, pero dinedema ko pa rin. Wala akong pakialam sa mga oras na iyon. Wala akong ibang inisip kung hindi matulog, kumain at manood. Oo hindi namin ramdam ang baha sapagkat nasa mataas kami na lugar sa Sampaloc.
Oo, nagulat na ako ng madami ng nababalita sa TV na Metro Manila ay baha na. Napapanood ko na ang mga pinsalang sanhi ng Bagyong Ondoy. Hindi ako makapaniwala na ganoon pala katindi ang dinala ng malalakas na ulan na iyo. Hindi ko inakala na maraming buhay ang masasakripisyo. Hindi ko akalain na maraming mga bahay ang lumubog, sasakyan at kung anu ano pang mga bagay. Naaawa ako at kinikilabutan ako. Maswerte pa rin ako dahil hindi ko naranasan ang mga ganung trahedya kung kayat nagpapasalamat ako sa diyos at nandiyan siiya para protektahan nya kami.
Kahapon ay isang taon na ang Bagyong Ondoy, kumbaga Birthday niya kahapon. Kumusta na kaya ang mga biktima nya? Siguro yung iba ang naka move-on na at yung iba naman ay naaalala pa rin ang naranasan nila. Mahirap makalimot sa mga ganitong pangyayari kaya't yung iba hindi mo masisisi kung na trauma na sila kapag may mga bagyong darating.
Nakakatuwa lang isipin na may pinanganak ulit sa araw ng September 26, 2011. Siya ay si Pedring. Oo, isang Bagyo ito, siya si Bagyong Pedring. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, pinanganak na ang apo ni Ondoy. Pero mas mabait siya kaysa sa Lolo Ondoy niya. Tila mas may awa siya at magandang loob. Tinawag pa rin siyang Super Typhoon, pero hindi ganung mas malala ang dinulot niya. Tinamaan ang Cagayan Valley na siyang Probinsiya ko, lagi na lamang doon dumadaan ang mga bagyo, hindi na sila nagsawa sa kakabisita doon. Nakakinis na minsan. Pasalamat po tayo kay GOD kasi bukas ay aalis na siya sa Pilipinas, mangngibang bansa naman siya. Bakit ba itong mga Bagyo na ito ay nagwoworld tour lagi at laging Pilipinas ang pinupuntahan. Pwede namang ibang lugar na lamang. Wala naman tayong mgagawa kasi tayo din naman ang nag aaya sa kanila para puntahan tayo. Dahil yan sa kasakiman natin sa kapaligiran natin kung kayat gustong gusto nila tayong bisitahin. Magbago na tayo mga kapwa ko, mahalin na natin ang Mundo natin.
Pag alis ni Pedring, may susunod na namang mag woworld tour at inaasahan siya sa darating Oct.1 pero hindi pa sigurado. Kaya maghanda po tayong lahat. Ihanda ang mga safety kits at magdasal po tayo sa ating Kaligtasan. Ang alam ko ay siya si Bagyong Qiel, not sure sa spelling. Wala pa akong alam sa kanya.
Sulat ka Ulit ay isang blog na naglalaman ng mga ideya at damdamin, istorya ng buhay ko at mga opinyon ko sa mga nakikita ko sa paligid. Mga kwentong masarap basahin ,halo halong emosyon, halo halong impormasyon sa ibat ibang pangyayari. Ang pamagat ay hango sa isang request ng isang kaibigan na sumulat daw ako ulit. Dati kasi nagsusulat ako ngunit huminto ako dahil naging abala sa trabaho, pero ito magsusulat ako ulit. Sana subaybayan nyo ulit ako.
Write anything Here:
Magsulat ng kung ano ano dito.
Tuesday, 27 September 2011
Friday, 2 September 2011
Takas after School
Natatawa ako kapag naaalala ko noong kabataan ko ang mga kapilyuhan na ginagawa ko. Galing ako sa trabaho at matutulog na. Parang may sakit na nga yata ako kasi hindi ako makatulog agad, ang dami dami kong naiisip, ewan kung anu ano na lang, hindi naman dapat isipin, kung saan saan nakakarating ang isip ko. Minsan nakakarating ako sa ibang bansa, na nanalo ako sa lotto, na lumilipad ako, ito yung mga bagay na weird, imahinasyon ko. Pero karamihan ang mga pangyayari sa buhay ko. Binabalik balikan ng isip ko. Halos isa hanggang dalawang oras na akong nakahiga hindi pa rin ako inaantok at ginugulo ng mga karanasan ko. Kaya naman nasagi sa isip ko ang mga ginagawa ko noong bata pa ako.
Isa na siguro ako sa mga batang pasaway noon, lagi kasi akong tumatakas sa magulang ko tuwing byernes ng hapon pagkatpos ng klase. Kapag uwian na kasi, dali dali akong umuwi sa bahay para magbihis o kaya nama'y hindi na ako uuwi sa bahay at diderecho na ako sa bahay ng mga pinsan ko. Malayo ang bahay ng mga pinsan ko, o kina Auntie (kapatid ng nanay ko) na ang tawag ko sa kanya ay Nanay din. Hindi na ako bago sa pagtawag ko sa knya ng Nanay kasi yun na ang kinalakihan ko. Bata pa lang ako ay yun na ang ipinatawag nila sa akin kay Auntie, at Tang naman sa kanyang asawa na siya naman talaga ang tawag sa kanya ng kanyang mga anak. Kumbaga iisa na lamang ang tawag namin sa kanila. Pakiramdam ko kasi anak nila ako at kapatid nila ako. Halos itinuring na nga nila akong Bunso nila. Mas close ko si Tang kasi siya lagi ang nagbibigay ng pera kapag nakakasalubong ko sa daan. Siyempre bata bata pa ako noon at wala pa akong hiya hiya. Kapag nakikita ko siya ay hihingi lang ako ng pera at lagi naman nya akong binigyan. Kaya mahal na mahal ko sila. Sa katunayan sa kanila talaga ako lumaki, kumbaga halos buong buhay ko nasa kanila ako. Mas nakakasalamuha ko sila kaysa sa mga kapatid ko. Dumating nga yung panahon na sila na ang mag papa aral sa akin kaya lang takot naman ako sa lilipatan kong eskwelahan. Kaya hindi ko na lamang tinuloy.
Tumatakbo talaga ako tuwing papunta sa aking mga pinsan, excited na kasi ako na makarating doon, may halong tuwa at saya na YES! makakapunta na naman ako doon. Marami akong dahilan kung bakit gustong gusto ko pumunta doon, una na doon ay gusto ko makasama ang mga pinsan ko doon. Tuwing sabado kasi ay lagi kaming pumupunta sa dagat para maligo, kumuha ng mga shells, masarap kumain doon, maglaro sa tabing dagat. Higit sa lahat ay andoon ang mga kalaro kong mga bata, mga ka edad ko, sila na ang mga naging parte ng buhay ko, maituturing kong sa kanila umikot ang kabataan ko.
Hindi ko noon naiisip kung magagalit ba ang Nanay ko kapag tumatakas ako sa kanila. Siguro nga wala pa akong pakialam noon, marahil hindi ko pinoproblema pa ang mga bagay bagay noon basta ang alam ko, makakalaro ako at masaya ako. Ang mga pinsan ko na lamang siguro ang nagsasabi na andun ako sa knila. Sabado at Linggo ako lagi nandoon, nakasanayan ko na.
Mula high school doon na ako tumira talaga dahil alam ko nandun ang hinahanap kong buhay. Hanggang sa nag aral ako ng college dito sa Maynila ay sa mga pinsan pa rin ako nakituloy. May nirerentahan naman silang apartment dito sa Sampaloc. Kaya naman hanggang ngayon kung minsan ay nandoon ako sa Sampaloc kapag nagkakaroon ako ng oras.
Inabot na ako ng antok sa kakaisip ko, nakakatuwa lamang isipin na kahit papaano ay hindi naman naging miserable ang kabataan ko. Tuluyan na nga akong inantok. Zzzzzzz.... (3rd story)

Subscribe to:
Posts (Atom)