Tuwing pumapasok ako sa opisina, iniisip ko agad..."Ang dami ko na namang hahabuling task,
dapat matapos ko na yun, kung hindi pending na naman ang ibang task, TAT na" sa amin ang TAT
ay TURN AROUND TIME o Deadline. Nasa bahay pa lang ako, ang dami ko ng reklamo sa isip ko,
sana sumesweldo ka na lang ng hindi nagtatrabaho, patulog tulog, nood nood, kain kain, relax
relax, lakwatsa dito, lakwatsa doon. O di ba ang sarap ng buhay kapag ganyan, pero hindi eh,
hindi kailanman mangyayari sa akin yan, kailangang magtrabaho para magkapera, kumilos para
kumita. Hay ang buhay nga naman. Paggising sa umaga, este sa tanghali o sa hapon, babangon
ako, mumog, tapos upo, nakatunganga habang hinihintay matapos maligo ang isang kasama o kaya
naman tunganga lang talaga. Parang ang sarap bumalik sa higaan kapag ang antok na antok ka
pa, pero ano pa pa nga ba eh tintawag ka na ng kompanya. So ito na ang turn ko sa banyo o
maliligo na ako habang ang isa ay nagpapaalam na para pumasok na sa opisina. Mag isa na lang
ako sa bahay kung kayat ang dami dami kong naiisip. Ang ingay ng kapitbahay, naririnig ang
mga kalabog nila, ang sigawan nila, meron naman doon na sa bandang ibaba o 1st floor na
parang may 60 students yung babae kung makapagturo sa kanyang anak, hindi ko lang
maintindihan kung bakit alas kwatro pa lang ng umaga nagtuturo na e dis oras na ng gabi. Ah
basta, hindi ko sila kilala. Habang ako'y naliligo, natatakot ako, hindi ko alam kung bakit
ang dami dami kong iniisip kapag naliligo ako, panu ba naman kalabog ng kapitbahay ang lakas
lakas kaya pakiramdam ko tuloy may pumapasok na sa bahay para magnakaw o mang salvage o mang
kidnap, minsan nagugulat ako kapag may naririnig akong parang kumakatok, iniisip ko tuloy na
baka bigla akong pasukin sa banyo at saksakin o kaya naman nag aabang na sa labas ng banyo sa
paglabas ko at bigla akong saksakin. Ayoko ng ganung pakiramdam. Ano pa ba ang magagawa ko
kung ang oras ng aking trabaho ay alas dos (2pm) ng hapon hanggang alas dies (10pm) ng gabi
at mandatory pang mag overtime ng 4 hours a day. Kaya naman ang uwi ay inaabot na ako ng
madaling araw ng alas dos ng umaga sa opisina at makakauwi ako sa bahay ng alas quarter to
3am. Kaya naman pagod na pagod ako araw araw at inaantok na pagkauwi. Pagdating ko ng bahay
hindi muna ako matutulog kaagad dahil magpapahinga muna ako saglit at magpapatuyo ng pawis
kung kayat 3:30am na ako natutulog. Ang hirap ng buahay dito sa mundo, maswerte ang mga taong
pinagpala ng kayamanan, yung mga may kaya sa buhay. Malas naming mga karaniwang manggagawa
dahil hindi laging ginhawa ang natatamasa namin, dahil kahit kayod ka ng kayod hindi pa rin
sapat ang kinikita mo sa isang araw. Gaya ko, at malamang kagaya niyo rin ako.
Pagkatapos kong maligo ay dali dali na akong magsisipilyo at magbibihis. Ang bihis ko ay
napakasimple na lamang, gaya noong dati na todo porma pa ako, long sleeves, plantsadong
slacks, maayos na buhok, nang kung ano anong palambitin sa katawan. Yan ako dati, pero ngayon
ni pantalon ko hindi ko na magawang plntsahin, hindi na ako ng lolong sleeves kung hindi
polo shirt na lang, wala na rin akong nilalagay sa buhok na dati punong puno ng wax. Ang
losyang ko na, ang baduy ko na. Pero kahit ganito ako, hindi ko naman kinonsidera na
kabawasan iyon sa pagkatao ko, ang mahalaga ay makapasok ka sa opisina dahil mas kailangan
nila ang kakayahan mo sa trabaho kaysa sa itsura mo.
Electric fan off, tanggalin ang saksakan, windows lock, lights off, door locked then lakad na
papasok. Habang binabaybay ko ang mga daan along naia, wala naman akong iniisip na, kung
hindi ang magmadali para makahabol sa oras.
At andito na nga ako sa opisina.
Puch in para sa attendance gamit ang cronos na malapit sa entrance gate.
Deretso ako sa comfort room para magpunas ng pawis, bakit ba kapag pumapasok ako sa cubicle
ng CR ay ang daming kalat at pira piraso ng tissue paper. Ang mga empleyado nga naman, parang
walang ethics kung makagamit ng tissue, nandiyan na nga ang basurahan hindi pa maitapon ng
maayos, karamihan kung makagamit ng tiisue ay halos isang rolyo na ang nauubos, e sisinga
lang naman. Napansin ko din ang nakalagay na FRIENDLY REMINDER sa tabi ng lalagyanan ng
tissue, at ang sabi " Think twice before you roll the tissue holder! Trees are killed in producing the tissue paper you're holding right now. Killing our trees means killing our planet. Do your share in saving Mother Earth. Use just enough tissue paper" hindi bat nakakawalang respeto naman sa mga kapaligiran natin? At
nakakwalang respeto din sa mga susunod na gagamit at naglilinis ng lugar. Asan ang pagiging
sense of cleanliness? Wala na, wala na. Lalabas na ako CR para umakyat na sa pangatlong
palapag ng building, doon ay maraming empleyado na pababa't paakyat sapagkat iyon ang oras ng
uwian at pasukan, palibhasa alas dos na ng hapon. Sa aking pagakayat ay marami din akong
binabati sa mga kakilala ko, smile dito smile doon, kung badtrip e simangot dito simangot
doon. Gamit ang aking ID, tinutok ko ito sa isang magnetic na bagay para mag unlock ang
pintuan papasok sa aking workstation, yun naman ang kagandahan dahil hindi basta basta
makakapasok ang mga hindi empleyado sa naturang opisina. Makakaramdam ka ng konting ginhawa
dahil centralize naman ang kwarto, nakakawala ng pawis at napapwi ang pagod dala ng malamig
na hangin. Pangatlong table ako nakapwesto mula kanan, at sa likuran ko ay ang aking mga
kasamahan sa opisina at ang aking Team Leader, unang table mula sa kanan. Hindi ka makakagawa
ng Internet surfing sapagkat nakikita ka ng boss mo, pinagbabawal ng kompanya. Pero sadyang
minsan makakapal din ang mga mukha namin dahil kahit nakikita kami ng mga boss namin ay nag
iinternet pa rin kami, hindi maiwasan pagkat lalo na may mga importante kang i-lilike sa
Facebook account mo, yung iba pasimple lang, tipong ang liliit na ng window sa screen sa may
bandang gilid, kapag nandiyan si sir minimize muna at kapag andiyan ang manager, exit na ang
facebook o kung anu mang internet na nandiyan.
Maghihintay pa ako ng ilang minuto para makapag log out ang aking kapalitan sa computer,
minsan ginagamit ang computer ko kapag wala ng magamit na iba. Dito sa opisina dalawa sa
isang computer ang gamit namin dahil kapos ang kompanya sa paglalaan ng mga gamit. Ewan ko ba
sa kanila, computer lamang ang medium ng transaksiyon ngunit pinagkakait nilang magbigay ng
mga computers. Sadya nga namang napakatipid o sadyang kuripot ang kompanya dahil isang
Pilipino ang may ari nito. Saan ka pa makakakita ng pribadong kompanya na uhugin na ang
computers, halos 30 years ng ginagmit at taon pa ng koppong kopong. Natawa na nga lang ako
bigla noong may sumabog na computer sa kabilang lane, sa sobrang luma na pinapagamit pa at
yun sumuko si lolo. Sabi nga nila, hanggat hindi pa sumsabog ang PC hindi aalisin, sabi ko
naman, sige hintayin nyong masunog ang kompanya nyo dahil sa kawalang konsensya nyo. Bakit ba
sila nagtiyatiyaga sila sa luma na at mabagal pa kung kaya naman nilang magproduce ng bago at
mabilis. Napatingin ako bigla sa katabi kong computer, tiningnan ko kung ilang taon na, naku
po, 2008 pa. Ang uso ngayon flatscreen na.
Kung ako lamang ang tatanungin, nakakwalang gana ang magtrabho sa ganyang klase ng makina,
nakakatamad at gusto mo na lang tulugan. Taon ang bibilangin bago mapalitan ang mga gamit.
Nakapag log out na ang kapalitan ko, ako naman ang magbubukas ng account ko, simula na ng
gamitan ng ulo at linaw ng mata. Wala naman akong masasabi sa gingawa kong trabaho,
samakatuwid masaya ako sa ginagawa ko, kahit napadaming problema o errors na nakikita sa task
ko, nagagawan ko naman ng solusyon at wala namang madaling trabaho. Pitong oras akong
nakaupo, kasama na dyan ang break time at CR. Pressure ika nga, oo pressure ang inaabot ko,
naghuhumikahos, natataranta at minsan nakakabato sa dami ng ginagawa, lalo na kapag ang
kliyente mo ay hindi maintindihan ang sinasbi o kaya ako yung hindi makaintindi sa mga
Instructions nila at mga sagot sa mga queries mo. Pagkatapos kong upuan ang computers
maghapon, sasakit na lang ang batok mo, ang mata mo, ang kamay mo pagkatpos ang lahat.
Siya nga pala, nakasalamin na ako ngayon dahil sa nanlalabo na ang kanang mata ko. Araw araw
akong nakatutok sa computer, walo hanggang labing anim na oras sa isang araw. Tumatanda na
yata ako. Pero kahit gano ako mgtrabaho ng magtrabaho, hindi pa rin ako yayaman dito kahit
siguro ilang dekada na ang lilipas. Madami akong binubuhay, may papag aralin pa, kaya wala ng
oras para maghanap ng mapapangasawa. Hindi naman talaga hanggang dito ang gusto ko sa buhay,
gusto ko ding umangat, gusto kong iparamdam sa nanay ko ang buhay ginhawa. Hindi pa namin
nararanasan na mag ulam ng karne ng derecho sa isang linggo o kaya kumain sa mga mamahaling
restaurant. Tumira sa tiles ang sahig na bahay, ang magkaron ng medyo maayos ayos na t.v,
wala din kaming ref o washing machine man lang. Yan sana ang gusto kong ipadama sa mga
kapatid at lalong lalo na sa Nanay ko. Pangarap kong mangibang bansa para sa mga pangarap ko
na yan, gusto kong guminhawa naman kami kahit papano. Plano kong kumuha ng sarilui kong bahay
at lupa para investment man lang habang akoy nagtatrabaho pa. Ang buhay nga naman, paano ko
makakmit ang mga yan kung isang simple at karaniwang mangaggawa lang ako. Pero higit sa lahat
nagpapasalamat pa rin ako kay GOD na kahit papaanp eh buhay kami at ligtas tayong lahat.
Pangalawang kwento ko nga pala ito.